Start: | May 28, '09 12:00p |
Location: | Holy Rosary College Foundation, Tala, Caloocan |
Thursday, May 28, 2009
KKK - Kwentong Kabuhayan ng Kababaihan
Couples for Christ 28th Anniversary
Start: | Jun 27, '09 |
End: | Jun 28, '09 |
Location: | Rizal Park Grandstand |
Monday, May 25, 2009
Master Yoda--Before and After
Saturday, May 23, 2009
MERON AKONG GUSTO...
...pero di ko alam kung gusto nya ako.
Wow, mahiwagang opening sentence ‘no? Siguro, naiintriga kayo kung sino ito. Di ko naman sasabihin kung sino. At lalong di ako mag-iiwan ng clue. ‘Maryosep, eh baka mabasa nya, yari! (Hahahaha!)
Hindi kasi ako ang tipo ng babaeng magpapa-cute. Wala sa bokabularyo ko yan. So, walang ka-ide-idea ang boylet na gusto ko na gusto ko sya kasi mahirap akong basahin (Oops, hindi ako nagsabi nyan. Yung isang kaibigan kong lalaki ang nagsabi nito.) Kasi, may ugali ako na hindi nagpapakita ng special treatment. Kung ano ang pakikitungo ko sa kahit sinong kaibigan kong lalaki, ganun sa lahat. Pati sa taong gusto ko. Bihira ang nakalampas sa ganung pakikitungo ko. Yung bang naglakas-loob na nag-assume na ‘Uy, parang iba ang treatment nya sa akin, ah!’ Hay... kaya nga siguro one-of-the-boys ang tingin nila sa akin eh.
Kung sabagay, mahirap naman mag-assume. Baka mali ang assumption nya, eh di maboboldyak sya. Siguro, kahit paano, may ipinapakita rin akong motibo para ma-encourage sila. Di lang ako conscious kung ano yun. Sa isang tao ko lang ginawa yun consciously, and quite obviously. Kasi bata pa ko nun. Hindi pa ako masyadong calculating. Wagi naman ako sana. Kasi nagtagal kami. Kaya lang, maaga syang kinuha ni Lord. Pwera biro!
Sabi ng isang kaibigan kong babae, dapat matuto daw akong magsalita at sabihin kung ano ang nasa loob ko dun sa taong gusto ko. Sabi ko naman, ‘Over my dead body!’ Di yun kaya ng powers ko! Mamamatay yata ako pag ginawa ko yun. Paano kung ako ang maboldyak? Kaya ko ba yun? Hindi yata. Kasi nung elementary ako, may crush ako sa Grade 7 na binigyan ko ng sulat telling him na crush ko sya. Di nya ako pinansin kasi Grade 4 or 5 lang ata ako nun. Hmp!
O baka naman kaya mahirap dahil mas matanda na ako ngayon. Mas nag-we-weigh ako ng pros and cons. Mas takot ako. Mas… oo nga. Siguro nga mas takot ako.
Kasi naman, masyado na akong comfortable sa buhay ko at sa state of life ko ngayon. Sa mahabang panahon na single pa ako, para bang hindi ko maisip i-let go yung freedom na meron ako ngayon. Para bang magiging komplikado ang buhay ko kung dadagdagan ko pa ng isang taong iisipin ko. Tama ba yung thinking na yun?
I’m sure sasabihin ng marami, mali yung line of thinking ko. Siguro for them, it is wrong. But for me, it feels right. But does that mean I am correct? Kasi nga, baka naman naging at home na lang ako sa comfort zone ko (ang pagiging single ko) na anumang yumanig sa comfort zone na ito ay ni-re-reject ko. But what if God wants to give my comfort zone a little shake?
Di ko alam kung may pinupuntahan ang sinusulat kong ito. Kasi feeling ko, paikot-ikot na lang. Para bang jina-justify ko na lang ang pagiging single ko. Para bang isinasara ko na ang pinto at nilalagyan ko ng ‘Keep Out’ sign.
So anong gagawin ko? Sasabihin ko ba dun sa taong gusto ko na gusto ko sya? Magpapakita na ba ako ng motibo? Yun na ba ang solusyon sa mahiwaga kong opening sentence?
May 24, 1am
FRIEND NA NAMAN…
Hay! Bakit ganun? Lagi na lang friend… lagi na lang friend…
Hanggang dun na lang ba talaga ang papel ko?
Sa akin personally, wala naman akong identity crisis. In fact, I’m a WYSIWYG kind of person. Eto ako eh, take it or leave it. Pero huwag naman i-misconstrue.
Hay… napapailing na lang ako. Siguro, yung karamihan ng taong magbabasa nito, hindi maiintindihan ang ibig kong sabihin. Yung mga nakakakilala naman sa akin, baka magtanong. Nagdadalawang-isip nga ako kung i-po-post ko ‘to eh. At kung oo, saang blog ko sya ilalagay. Gusto ko bang mabasa ito ng mga kakilala ko? O dun na lang sa blog na ang alam kong nagbabasa eh yung mga nakakalilala lang talaga sa akin? At alam kong hindi magtatanong. O kung magtanong man, may halong pangunawa at pagmamahal. Yung mga taong tanggap ako, warts and all. Yung walang paghuhusga.
Hay… bakit ko ba pino-problema? Does it really matter to me what other people might think or say? Siguro, ang dapat ko na lang intindihin ay kung ano ang tingin ng Panginoon ko sa akin—a child of God, made in His image and likeness (therefore beautiful!), loved and forgiven.
Wala na akong pakialam sa iisispin ng iba. Bow!
May 24, 12:20 am
Subscribe to:
Posts (Atom)