Hay! Bakit ganun? Lagi na lang friend… lagi na lang friend…
Hanggang dun na lang ba talaga ang papel ko?
Sa akin personally, wala naman akong identity crisis. In fact, I’m a WYSIWYG kind of person. Eto ako eh, take it or leave it. Pero huwag naman i-misconstrue.
Hay… napapailing na lang ako. Siguro, yung karamihan ng taong magbabasa nito, hindi maiintindihan ang ibig kong sabihin. Yung mga nakakakilala naman sa akin, baka magtanong. Nagdadalawang-isip nga ako kung i-po-post ko ‘to eh. At kung oo, saang blog ko sya ilalagay. Gusto ko bang mabasa ito ng mga kakilala ko? O dun na lang sa blog na ang alam kong nagbabasa eh yung mga nakakalilala lang talaga sa akin? At alam kong hindi magtatanong. O kung magtanong man, may halong pangunawa at pagmamahal. Yung mga taong tanggap ako, warts and all. Yung walang paghuhusga.
Hay… bakit ko ba pino-problema? Does it really matter to me what other people might think or say? Siguro, ang dapat ko na lang intindihin ay kung ano ang tingin ng Panginoon ko sa akin—a child of God, made in His image and likeness (therefore beautiful!), loved and forgiven.
Wala na akong pakialam sa iisispin ng iba. Bow!
May 24, 12:20 am
No comments:
Post a Comment